RUBICS,
Binabati ko kayo sa isang matagumapy na campaign. Pinahanga nyo ako sa inyong pinamalas.
Mula pa lamang sa line up, marami ng problema ang dumating sa inyo. Alam kong mahirap ang magandang pagkakaunawaan sa pagitan ng kabilang section. Akala ko rin ay naging maayos na ang usapin sa hapon na iyon, ngunit ako’y nagkamali.
Kahit maraming ibinabato sa inyong mga paninira hindi kayo nagpatinag. Bagkus, inintindi nyo ang sakit at tampo na kanilang nararamdaman. Ang mensaheng kumakalat sa friendster ay naging isang hamon sa pagkakaibigan ninyong dalawa.
Kahanga-hanga ang katatagan nyo, RUBICS. Hindi ko inaakalang may natatago kayong matibay na katatagan sa lahat ng problema. Mula pa lamang sa pangalan, ang walang katapusang platform, ang design ng t-shirt, hand signal, tagline, mga posters, pabago-bagong logo, stickers, ang inyong cheer, pagpapaprint ng t-shirt at ang pinakahuli ay and sayaw.
Ngunit, ako’y nagdadalamhati sa nangyari, kayo’y bumigay sa isang pagsubok. Hindi ko inaasahan na susuko and RUBICS sa maling paaang na ibinabato sa inyo. Datapwat, napalitan ang luhaan ng isang mas matibay na partido na haharap sa lahat ng pagsubok.
Para sa mga campaign managers, maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa kanila. Kahit na kayo ay mula sa ibang section, hindi kayo nailang at naging mabuti kayong kaibigan sa kanila. Ang mga tulad ninyo ay dapat purihin at pasalamatan ng lubusan. Kahit na matapos ang araw ng magkakasama kayo, sana’y huwag kayong makakalimot a tiyak kong hindi rin nila kayo makakalimutan.
Gideon, hindi ko maiwasan ang mataa kapag naaalala kita. Hindi ko malilimutan ang sinabi mong makakapaayn ka ng tao. Sana’y’wag naman. Binigyan mo ng sigla ang bawat araw ng campaign ng inyong partido.
Jamaica, nakakawiling pakinggan ang iyong tawa. Halatang hindi pilit at bigay todo talaga. Iwasan ang pakikipagtalo kay Alyssa at ang galing mo pala sumayaw. Binigyan mo ng emotional at ispiritwal na lakas ang iyong mga kaibigan.
Catherine, sa una pa lamang ibinigay mo na ang buong suporta mo para makatulong sa partido. Kakaiba ang iyong energy, hindi mapantayan ninuman.
Mabelle, kahit na ikaw ay busy, pinilit mo pa ring makatuong. Alam kong hindi matatawaran ang pagod na naibigay mo para sa kanila.
John Paul, ak’y nahihiya sa iyo dahil sa nangyaring di pagkakaunawaan sa line up. Gayunpaman, hindi ka nagtanim ng hinanakit sa inyong mga kaklase, bagkus nakatulong ka ng malaki para sa kanila.
Jesse, malaki rin ang naitulong mo para sa partido. Kahit na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng inyong president, napili mo pa ring tumulong para sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na nakita kitang nagwawalis.
Anna Rose, kahit hindi napapansin ng lahat, napakalaki g naitulong mo. Sa bawat araw ng campaign, nandiyan ka para suportahan ang inyong mga kaklase..
Cathrine, Florence at Pamela, kahit gabing-gabi na, hindi kaya nag-alinlangang tulungan ang inyong mga kaklase. Hindi kaya nagpadaig sa pagod, nararapat na kao’y pahalagahan.
Sa inyong lahat, muli, maraming maraming salamt.
Mark V., iwasan ang pagpapahamak sa iyong sarili. Wag na wag ka na muling tatumbling. Baka madagdagan yangpoknat mo. Gampanan mo ng matiwasay ang iyong responsibilidad.
Errol, alam kong naging mahirap para sa iyo ang kalagayan mo ngayon. Kahit marami ang hindi nakakaintindi sa iyo, nakuha mo paring pakisamahan sila. Isipin mo ang magiging kahihinatnan ng iyong ma galaw bago mo ito gawin.
Matuto kayong dalawa na sumunod saq mas nakakatanda Iwasan niyo ang pagtatalo at intindihin ang isa’t isa.
Michelle, kahit bago ka para sa kanila, nakuha mo ng makisama ng maayos sa kanila. Isa kang mapagpasensya at matulunging tao. Magalang ka sa lahat at nararapat na ikaw ay ipagmalaki.
Stephen, noong una, akala ko ay suplado ka, nguit ako’y nagkamali. Nakakatawa ka at palakaibigan. Ang isang tulad mong responsible ay kailangan ng inyong partido. Napakagaling mong sumayaw, daig mo pa si Marimar.
Maging malapit kayo sa isa’t isa at tiyak na magiging magkaibigan kayo ng lubusan.
Kristel, tumingin ka sa likod mo, may nakaayong nurse. Joke lang. Napakasipag mong bata. Masayahin at palabio. Hiit sa lahat sinungaling. Hehehe.
Marco, alam kong sa likod ng masayahing mukha ay isang natatagong lungkot at hinanakit. Kahit na ikaw ay pinagkakakisahan ng iyong mga kaklase, hindi ka nagpatinag. Hayaan mo gwapo ka pa rin kahit sabog ang boses mo.
Palos at lobo, alam kong maakaya niyo lahat ng pagsubok.
Monica, alam kong nagtampo ka noong muntikan ka ng matangal sa partido. Ngunit ikaw ay ibinalik nila dahil alam nilang may ibubuga ka. Huwag makinig sa paninira ng iba.
Rommel, napakagaling mong umisip ng mga katagang iyongsasabihin Ikaw pa rin ang walang kamatayang Rago (raygo) sa puso ng partido.
Goddess at goggess, iwasan nyo ang pagtatalo,yun lan.
Dinky, kahit na lagi kang pinapagalitan ng iyong mga magulang, mas inuuna mo ang kapakanan ng partido. Ipagpatuloy mo ang magandang sinimulan.
Mark, isa kang maasahang miyembro. Ginagawa mo ag lahat para lamang makapunta ng mga meeting at practice. Sana’y maayos na ang gusot sa pagitan ng iyong ama.
Sa inyong dalawa, kayo ang tunay na ambalang subok na. Tiyak na may susubok muli sa inyong kakayahan.
Abigail, alam kong malaki ang naging at magiging papel mo para sa prtido Sana’y wag kang magsawang tumulong sa kanila.
Paul John, dalasan ang pagpunta sa mga meeting at practice. Ngunit, malaki rin ang naiambag mo sa grupo, mula sa disenyo ng t-shirt, logo stickers at iba pa. Maging cooperative sa buong grupo.
Karbela, cute ng boses mo. Kahit agod ay go na go ka pa rin. Isa kang maasahan na miyembro. Magaling ka at mabait.
Karen, isa kang huwarang leader. Nagagwa mo ang naiaatas sa iyong tungkulin. Nararapat ka lamang na purihin.
Mga ubos yaman, este, ingat-yaman, mahirap ang trabaho ninyo kaya’t pagbutihan.
Alyssa, kahit na ikaw ay maliit, napakalaki ng kaya mong gawin. Ginagawa mo ang lahat upang makatlong sa iyong mga kapartido.
Reynante, maganda naman ang sulat mo, nararapat ka sa osisyong iyan. Responsible ka. Iwasan ang paging mainitin ang ulo.
Kape’t gatas, huwag kayong mag-aaway at magtulungan kayo sa lahat ng gawain.
Karla, iba ka. Ginagawa mo ang lahat para maging maayos ang partido. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon between sa classmates mo at sa mga kaibigan mo. Gayunpaman, marunong kang makisama.
Demy, isa ka pa. Ikaw ang pasimuno ng iyakan. Ang buong akala ko ay sintiga mo ang isang bato. Marunong kapalang umiyak. Iwasan ang pagiging mataray, alam kong may natatago kang kabaitan. Hindi man napapansin, alam kong hangad mo ay kabutihan ng bawat isa.
President at Viee President, kayong dalawa ang hahawak ng apakabigat na responsibilidad, magtulungan kayo at iwasan ang pag-aaway.
Sa maikling panahon, natunghayan ko ang hirap, sakripisyo taanan at iyakan ng inyon grupo. Hindi kayo nakalimot na magpasalamat sa Kanya. Isa kayong huwarang estudyante.
Matalo manalo, ang mahalag ay ang bonding, friendship at experience nyo.
Isa lang ang masasabi, ang kabutihan at katotohanan ang mananatili sa huli.
Hindi na mahalaga kung sino ako…
Nagmamahal,
…………….
P.S.
Ang mga kulay puti na yan ay mga rock salt. Wala akong pera kaya asin na lang ang ibibgay ko sa inyo. Pero galing dead sea yan kaya pwede na rin. Kuha ang bawat isa, souvenir para sa partido, un lang..