What do you love or hate about cooking?

Me, cooking .. hahaha
Nagsimula ako magluto when i was about grade 4?? pagsasaing pa lang ng bigas ang alam ko nun!! But at least, I learned cooking without asking somebody to teach me, I learned it from observing how my mom cooks rice.
What do I hate about cooking?
I hate preparing the ingredients! Ang hirap kasi nung maghihiwa ka pa ng mga gulay, or meat. Pati yung pagmamarinate ng meat.. argh.. kakaasar, kinakain lang nya oras ko! Isa pang panira eh yung pagbabalat ng mga gulay. Mga tatlong beses na ata akong nahiwaan ng kamay nun! Tapos kapag nahiwa ka ng kutsilyo, sasabayan pa ng kantang.. ” and I don’t wanna fall to pieces, i just want to sit and stare at you..” bagay dba?
What do I love about cooking?
Yung amoy ng ginisang bawang at sibuyas… hhhhmmm… grabe ang bango. At least yung kamay ko rin ay prone na sa maliliit na talsik ng mantika (I’m a spartan daw!!) Kahit masakit, keri lang.. bearable naman! Kahit mukha ng pinirito ang kamay ko dahil sa talsik ng mantika! Pinaka-favorite part ko yung titimplahan mo na yung niluluto mo.. lagay ng paminta,toyo, suka, oyster sauce… tomato sauce… kahit fishball sauce (joke lang!)… Lumalabas din ang ‘creative side’ ko…. (kahit wala naman…) hahahaha… syempre pag may handaan.. todo prepare para sa presentation ng mga pagkain… kahit nagmumukhang lutu-lutuan lang ng mga bata ang gawa ko!
Syempre, pinaka-love kong part ay yung
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
KAINAN
sige, kain muna ako… kahit hangin lang!






