anu ba yan..
gusto ko nayon may maisulat, pero wala akong maisulat dahil ang problema ay kung anu nga ba ang dapat kong isulat..
Ikaw, may alam ka bang isulat?
Ako, kahit anung gawin ko eh hindi ako makaisip ng topic na dapat kong isulat… yung kapaki-pakinabang… ung alam kong may magbabasa… yung alam kong may matututunan yung nagbabasa..
pero wala talaga akong maisip…
pero ndi ko napapansin sa kakareklamo ko kung anu ba dapat yung isusulat ko ngayon, mahaba na pala ang nattype ko..
wala kasi akong ibang ginawa kundi magreklamo na hindi ko alam o hindi ko kaya ang gagawin ko..
matagal na akong ganito, magrereklamo sa bagay, kunwari na hindi ko kayang gawin o kaya hindi ko alam ang gagawin ko, pero halata namang may nagagawa ako..
gaya sa mga assignments, magrereklamo ako na ang dami naming assignments at hindi ko alam kung paano sasagutan ang mga iyon, pero, tada!! maya-maya, nagagawa ko na pala. Inuuna ko kasi ang pagiging negative ko. Maybe your right. I lack self-confidence. minsan talaga hindi ako nagtitiwala sa sarili kong abilities. Ayaw ko kasing madisappoint na baka naman hindi ko talaga magagawa ang isang bagay, kaya iisipin ko na ng na hindi ko talagang kayang gawin. I think it’s safer to be in sidewalk at wag ng makisabay sa totoong daan ng buhay, ang dahilan ko.. takot akong sumabay sa agos ng buhay.
I don’t know how long will I be like this… I know choose between change or stay…
Au revoir,






