Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga problemang nangyari ngayong araw na ito…
I think all can say is OMG!
Lahat na talaga na kamalasan ay nangyayari ngayon! grr..
Ngayon ay eksaktong 12:00 am, July 10 2009, at mamayang 3 pm ay awarding ko na…
Wala pa akong speech! at ang pinakamalaking problem ko ay kung PAANO ko sisimulan ito.. wla talagang pumapasok sa utak ko! kaya nga natulog ako kanina para magkapag-isip ako, pero ang nangyari eh hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising ang brain cells ko, kung nakakapagsalita lang siguro ang utak ko, malamang sasabihin nya, “bahala ka dyan sa problema mo! hahahhaah”…
Mamayang 10:00 am ay may special test pa ako sa French 10 at hindi pa ako masyadong nag-rereview… at mamayang 10:00 am din ay may pasok sa Kas 2… panu kaya ako hindi malalate sa Kas 2 mamaya.. tama! bahala na si Batman!
Ayoko na! Kala ko ang swerte ko na dahil makukuha ko na ‘to, pero dadaan pa pala muna ako sa butas ng karayom para masabi kong “yes!, nasa akin na ang prize ko”
Right now, wala pa akong black shoes at complete uniform ng previous school ko dahil tinapon ko na ito, pero sinabi ko sa teacher ko na naipamigay ko na, baka sakaling hindi magalit sa akin… humiram ako kay jessamine pro wala na rin, kay jennifer pero wala rin at kay eica, walang repy galing sa kanya at kay berna, mukhang may pag-asa pero ndi na xa nag-reply! … wala sa option ko ang bumili ulit ng sapatos dahil halatang magsasayang lang ako ng pera, at lalung lalo na hindi ako bibili ng uniform dahil masasayang lang din ito… isa sa resolution na ginagawa ko ngayong college ay ang MAGTIPID! seryoso ako! hindi na ako ung demy nung high school na gastos ng gastos hanggang may nabubunot na pera sa wallet.. iba na ako ngayon (may naniniwala kaya?)
o xa, mukhang kelangan kong nang iumpog ang aking ulo at baka sakaling gumising sina brain cells…
Au revoir!






