Magtungo kang matahimik maging sa gitna ng ingay at pagmamadali,

at tandaan mong may kapayapaan sa alin mang katahimikan.

Hanngat maaari bagamat hindi ka sumusuko maging mabuti ka

sa pakikitungo sa lahta ng mga tao.

Sabihin mo ang katotohanan nang tahimik at malinaw;

at pakinggan mo ang kapwa, maging sila’y tanga o mangmang:

pagkat sila man ay mayroon ding isasalaysay.

Iwasan mo ang mga taong maiingay at mapanlaban,

sila ay nakakasira ng sigla ng iyong pag-iisip.

Kapag inihambing mo ang iyong sarili sa iba,

ikaw ay magiging palalo at matitikman mo ang kapaitan,

pagkat may mapalad at kapuspalad kaysa sa iyong sarili.

Matuwa ka sa iyong tungkulin kahit ito’y mababa:

ito’y tunay na sa iyo sa pagbabangong kalakaran ng panahon.

Maging maingat ka sa iyong pakikipagkalakalan, pagkat ang mundo ay puno ng panlilinlang.

Ngunit huwag amg maging bulag kung ano ang kabutihan.

Marami pa ring tao ang naghahangad ng banal na mithiin;

at saan mang pook sa mundo ay puno ng kabayanihan.

maging tapat ka sa sarili at huwag magbabalatkayo sa pagmamahal.

At huwag ka ring magbalatkayo sa pag-ibig;

pagkat  sa kabila ng kawalang sigla at kabiguan mananatili pa rin ito

tulad ng laging kasariwaan ng damo at

maluwag sa loob na isuko mo ang silakbo ng kabataan.

Maging matatag ang iyong isip nang maging kalasag sa kabiguan

Ngunit iwasang mabalisa ang iyong mga guni-guni.

Maraming takot ang bunga ng kapaguran at kalungkutan.

Sa likod ng mabuting pagdisiplina, maging matapat sa sarili.

Ikaw ay supling ng sansinuklob tulad ng mga puno’t bituin.

Ikaw ay may karapatang mabuhay sa mundong ito.

maging malinaw man o hindi,

Marami kang matutuklasan sa sansinukob tulad ng inaasahan,

Kaya’t mabuahy ka nang payapa sang-ayon sa kalooban ng

Panginoon, maging auman ang iyong ginagawa at minimithi.

Sa nakakalitong kaguluhang ito ng buhay

panatilihin mo ang kapayapaan sa iyong kaluluwa.

Sa kabila ng mga pahkukunwari, kabagutan at mga bigong pangarap…

PATULOY KANG MAGARAP at  UMIBIG,

Sapagkat patuloy ang ikot ng mundo!